include_once("common_lab_header.php");
Excerpt for Ikaw, Anong Hugot Mo? by , available in its entirety at Smashwords

By Mark Weido

Copyright 2018

Mark Weido


No part of this book may be reproduced in any form or by any electronic or mechanical means including information storage and retrieval systems, without permission in writing from the author. The only exception is by a reviewer, who may quote short excerpts in a review.




Table of Contents



“MAHAL KITA, PAALAM NA”

By: markweirdo


Ang sabi nila pag mahal mo, ipaglaban mo

Ang sabi nila pag mahal mo, itali mo

Ang sabi nila pag mahal mo, kaya mo

Ang sabi nila pag mahal mo, mahal mo


Alam kong mahal kita

Pero bakit bigla kong nadama

Ang sakit na dulot ng mga mensahe

Ng dati mong kasintahan?


Di ako magseselos, di ako magseselos

Ilang ulit kong pinaalala sa sarili ko ang ganito

Pero bakit parang bagyo

Na kapag dumating di mo na kayang ipahinto


Alam kong nagkasala ako sa’yo

Akam kong nagkasala ako sa’yo

Pero bakit ganito……? Bakit ganito….?

Shit! Ang sakit parang pinukpok ng bato ang puso ko?



Ang ssabi mo magkaibigan lang kayo

Naniniwala naman ako pero bakit ganito

Ako ang hindi makaintindi

Nagseselos ako!


Mahal, ayokong iwanan ang mga kaibigan mo para sa akin

Dahil mas matimbang ang kaibigan

Kaya mas pipiliin kong ako ang lalayo’t

Ako nlng ang iiyak sa tago


Di ako lalayo dahil di na kita mahal

Di ako lalayo dahil may iba na sa puso ko

Di ako lalayo dahil galit ako

Lalayo ako dahil kelangan ko




“NAKU, MUNTIK NA!”

By: markweirdo


Ilang ulit kong pinigilan ang sarili ko na iwasan ka

Takbo rito, takbo roon upang di ka makita

Magkasalubong sa daa’y liliko sa daang di ko alam

Kung saan papunta


Nagsimula ang lahat ng ito nung una kang makita

Nakaupo sa bangko na walang kasama

Nilapitan kita at ako’y nagpakilala

Ngumiti ka na tumunaw sa puso kong tumigas na


Lumakas ang tibok ng puso ko

Kaya’t ako’y nagmadaling lumayo

Shit! Baka mahalata niya ako

Na kinikilig at baka di ko maitago


Nagkrus ulit and mga daan natin

Nung nginitian mo ako habang gumagawa ka ng ating takdang aralin

Oo, sinabi ko “ating”

Dahil magkaklase tayo, ngunit ayokong bigyan ng pansin


Tumibok ulit itong lecheng puso

Naku po, “wag sa’yo”, sabi ko

Umiwas ka kasi sa akin

At sa aking paningin


Sa kayrami-rami kong kaklase, bakit ikaw pa?

Ang maging kapartner ko sa research na ipapasa

Naku po! Magkasama tayo sa tuwi-tuwina

Coffee shop pati sa mag edit ng mga research natin sa ibabaw ng aking kama


Masaya na walang iniimbang problema

Tawa rito, tawa roon kahit di naman nakakatawa

Minsan magkayap na parang wala lang naman

Hanggang sa mahiga sa kama at nagkatitigan


Nagkatitigan sa tayo sa isa’t-isa

Tumahimik ang paligid at umigil ang mundo

Di lang ang pag-ikot ng mundo

Kundi pati itong puso


Lumalapit ang mukha mo sa mukha ko

Napapaisip ako at baka magkatotoo and imahinasyon ko

Na dati’y imahinasyon lang at ngayo’y totoo

Anong gagawin ng puso kong ito?


Mas lumalapit pa ang iyong mapupulang mga labi

Tama na at puso ko’y sasabog na

Gusto kita pero baka nadala ka lang sa pagkakataon

Naitulak kita, umuwi ka, at nasabi sa sarili kong, “Naku po, Muntikan na!”




“PAUMANHIN”

By: markweirdo


Papunta na ako, sabi ko

Naghintay ako na ma-seen mode mo

Tapos biglang sabi mo, beb, dito na ako

Nagmamadaling bumaba sa hagdan

Gamit ang mga paang sabik na makita ka

Humaharurot sa pagmamaneho dahil andun ka na

Ng makarating ako sa ating tagpuan

Nakita kitang nakaupo't naghihintay

Nahiya ako, nakonsenxa dahil sa pagkakamali ko

Kaya paumanhin, ako'y nadala sa agos ng kasabikang makita ka

Sa tako't na mawala ka,

Di mapigilan ang pagbagsak nitong mga luha

Nagagalit sa sarili't nagsisisi kung bakit nasaktan kita

Paumanhin sa walang kapagurang "I love you" bawat araw

Paumanhin sa higpit ng yakap ko at baka masakal kita

Paumanhin kung di ako romantiko katulad nila

Paumanhin sa kakayahan kong hanggang dito lang kaya

Paumanhin sa pagseselos kong baka matangay ka ng iba

Paumanhin kung lumiliit ang kumpiyansa ko sarili dahil mas lamang ang iba

At higit sa lahat, PAUMANHIN sa paghingi ko ng PAUMANHIN sa lahat ng oras dahil ayokong masaktan kita

Mahal, ikaw ang nagpabago sa pananaw ko sa buhay kahit sa iksi ng panahon na tayo'y magkasama

Ikaw ang taong nagbigay sa akin ng kasiyahan sa buhay sa gitna ng napakaraming inaalala

Ikaw ang taong kayakap ko na walang iniisip pang iba

Ikaw ang mas pipiliin kong makasama kaysa mga kaibigan ko sa tuwi-tuwina

Ikaw ang nagbigay ng tuwa sa tuwing naiisip kita

Ikaw ang taong nagpapangiti sakin pangalan mo lang ang maalala kahit nagmukha na akong tanga

Kaya mahal, Paumanhin sa mga nagawa ko

Hindi langit ang kaya kong ipangako

Pero sayong-sayo itong puso.





“AWAT NA, TANGA KA BA?”

By: markweirdo


Ang sarap pala sa pakiramdam

Na may isang taong iyong inaasam

Inaasam na makita sa lahat ng oras

Kahit na ang kapalit nito'y mga hintuturong sayo'y humuhusga

“Wag siya!” , “Mag sisisi ka lang”

“Bakit yan ang napili mo? May anak na yan!”

Ilan lamang ito sa mga linyang naririnig ko

Sa tuwing nababanggit ko ang pangalan mo

San ba ako lulugar?

Di ka ba talaga karapat dapat na mahalin dahil may anak ka?

O may bagay na hindi ko alam?

Alin sa dalawa, mahal?

Minahal kita kahit may anak ka

Tanggap ko ang kahapon mo

Pero bakit may bumabagabag sa isip ko

Na lalayuan mo rin ako

Minahal mo ba ako dahil kelangan mo ko?

O kelangan mo ko dahil mahal mo ako?

Dahil pag nahuli kong ginagago mo ako

Lintik lang ang walang ganti, sayo

Pero mahal, ngayon ko lamang ito sasabihin sayo

Minsan kitang nakita sa mall magkahawak ang mga kamay niyo

Baka naman kuya mo, okay lang ako

O baka pinsan mo, okay lang ako

Kaya tinanong kita nung nagkita tayo

Sabi mo hindi mo alam

Kaya sabi ko

Di mo alam na mamahalin kita? O hindi mo alam na mahuhuli kitang ginagago mmoako

Alin dun sa dalawa?

Ang sakit sakit na, pero mahal kita

Kahit na di lang isang beses ko kayong nakita kundi lima

Kaya ngayon, sabi ko sa sarili ko

Awat na, tanga ka ba?





“BUTI PA ANG 7/11”

By: markweirdo


Sa tuwing naaalala ko

Ang mga panahong tayo'y magkasalo

Di maialis sa isip ko

Ang tuwang dulot mo

Magkasama araw-araw

Kwento rito, kwento roon


Purchase this book or download sample versions for your ebook reader.
(Pages 1-8 show above.)